Pilipino (Filipino)
Available ang mga serbisyo ng Sentro para sa mga Karapatan ng Kababaihan sa Scotland (Scottish Women’s Rights Centre, SWRC) para sa sinumang babae sa Scotland na may edad 16 pataas na nakaranas ng karahasan o pang-aabuso. Karaniwang ibinibigay ang aming mga libre at kumpidensyal na serbisyo sa online at sa pamamagitan ng telepono, at kasama ang:
Mga Helpline
- Mga advocacy workwe ang kawani sa aming mga daytime helpline na makikipagtulungan sa iyo para makakuha ka ng tulong, impormasyon, o payo mula sa SWRC.
- Ang aming Pro Bono helpline ay pinangangasiwaan ng mga boluntaryong solicitor (abogado) na nagbibigay ng libreng legal na payo tungkol sa iyong kaso at tumutulong sa iyo sa mga susunod na hakbang.
- Makikita ang iba pang impormasyon tungkol sa aming mga helpline dito.
Legal na payo at representasyon
• Kung kailangan mo ng legal na payo, puwede magsaayos ang aming mga advocacy worker sa SWRC helpline ng legal na tawag sa isang solicitor ng SWRC.
• Matutulungan ka rin ng isang advocacy worker sa pamamagitan ng pagbu-book ng isang appointment sa legal surgery para sa mga mas komplikadong tanong at para mas detalyadong mapag-usapan ang iyong sitwasyon kasama ang isang solicitor.
Proseso ng Pagtanggap ng Kaso
Maaaring tanggapin ng SWRC ang ilang kaso para sa representasyon, ngunit limitado ang bilang ng mga kasong maaaring tanggapin. Isang proseso tuwing dalawang linggo ang sumusuri ng mga aplikasyon.
Kung nais mong mag-apply para sa representasyon sa hukuman o iba pang pagdinig, makipag-ugnayan sa aming helpline o magsaayos ng appointment sa legal surgery para masuri ng isang solicitor kung angkop ang kaso mo para sa aming proseso ng pagtanggap ng kaso.
Available ang karagdagang impormasyon tungkol sa aming legal na suporta para sa mga impormasyon ng legal surgery at para sa impormasyon tungkol sa legal na representasyon.
Suporta ng Advocacy Casework (Advocacy Casework Support)
Ang mga Advocacy worker ng SWRC ang namamahala sa aming pangkalahatang helpline. Maaari kang i-refer ng advocacy team sa aming Pagtanggap ng Kaso ng Adbokasiya (Advocacy Take On) para tanggapin ka bilang isang kaso at suportahan ka sa:
- Pagsasagawa ng mga proseso ng reklamo.
- Paghanap ng legal na representasyon mula sa isang solicitor na hindi bahagi ng SWRC.
- Pagsuporta sa iyo kung ikaw ay malisyosong ini-report sa pulisya ng nang-abuso sa iyo.
Alamin pa ang tungkol sa aming suporta sa adbokasiya rito.
FollowItApp
Ang FollowItApp (FIA) ay isang libreng app na dinisenyo para sa mga survivor na nakakaranas ng stalking (pagmamanman) o pangha-harass. Tinutulungan ng app ang mga survivor na i-record ang mga nangyayari sa kanila at panatilihin ang talaan ng mga insidente.
Iniangkop ang FIA sa batas ng Scotland. Maaari itong gamitin kahit pa magpasya ka man o hindi na i-report ito sa pulisya.
Puwedeng magkaroon ng access ang mga propesyonal na nakikipagtulungan sa mga survivor ng stalking o pangha-harass sa bersyong demo ng FIA at libreng pagsasanay tungkol sa kamalayan sa stalking at pangha-harass.
Pagsasanay
Nag-aalok ang SWRC ng pagsasanay sa mga propesyonal na nakikipagtulungan sa mga survivor ng karahasan batay sa kasarian. Isinasagawa ang buong kalendaryo ng pagsasanay nang dalawang beses sa isang taon, na tinatalakay ang mga paksa tulad ng custody ng bata (child contact resident), pamproteksyong utos, at pagsuporta sa mga survivor para maka-access sa kabayaran.
Nag-aalok din ang SWRC ng espesyal na pagsasanay at inaprubahang pagsasanay sa mga solicitor na nakikipagtulungan sa mga survivor ng pang-aabuso sa tahanan. Sa pagkumpleto ng mga module ng pagsasanay, pinapayagan ang mga solicitor na maging bahagi ng aming solicitor signposting network (pagbibigay ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng ibang makakatulong na ahensya o organisasyon), na makikita sa aming website para tulungan ang mga survivor na ma-access ang legal na representasyon.
Makikita ang kalendaryo ng pagsasanay ng SWRC dito.